^

Probinsiya

Bangka lumubog sa fluvial parade

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam katao ang nasagip makaraang aksidenteng lumubog ang bangka sa ‘fluvial parade‘ malapit sa Mocaboc Island, Bohol nitong Miyerkules .

Base sa report na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Region 7, mabilis na nagresponde sa insidente ang mga tauhan ng Coast Guard District Central Visayas na agad sinaklolohan ang mga pasahero at tripulante ng nasabing bangka.

Sa imbestigasyon, habang isinasagawa ang fluvial parade ay aksidenteng nagkaaberya ang nasabing bangka nang hampasin ito ng malalakas na alon.

Bunga nito ay lumubog ang bangka at masuwerte namang naispatan kaagad ng idinispatsang rescue team ng Special Operatioins Group (SOG0 rubber boat at isa pang aluminm boat (AB 098) ng PCG ang mga pasahero at crew habang nangu­nguyapit sa bahagi ng nadisgrasyang bangka at mga lumulutang na gamit dito tulad ng mga gallon.

Agad namang sumaklolo ang rescue team at isa-isang iniahon sa karagatan ang mga pasahero at crew members na agad dinala sa Bagong Banwa Island. Bandang alas-4:00 ng hapon nang ganap na masagip ang lahat ng mga pasahero at crew ng lumubog na bangka habang ang lumubog na bangka ay nakuha na rin dakong alas-4:45 ng hapon.

FLUVIAL PARADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with