Pagsertipikang urgent sa bill na nagpapaliban sa BARMM polls, pinuri ng stakeholders
MANILA, Philippines — Pinapurihan ng mga stakeholders sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) ang pagsertipika ng Malacanang bilang urgent sa panukalang pagpapaliban sa eleksiyon sa rehiyon.
Hinikayat ni i Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kongreso na bigyang prayoridad ang panukala, ilang linggo na lamang bago suspindehin ng legislative body ang sessions nito upang bigyan ang mga kandidato ng sapat na panahon na mangampanya para sa 2025 national elections.
Sa isang panayam sa Teleradyo, ikinatuwa ni BARMM Minister for Interior and Local Government, Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang hakbang ng pangulo, binigyang-diin ang kagyat na pangangailangan na ipasa ang bill.
"We welcome this development and the news that President Marcos Jr. issued a certificate of urgency, as it recognizes that there are numerous issues that need to be addressed before we can fully say that BARMM is ready for elections," sabi ni Dumama-Alba.
Sa kanilang panig, ang MPs — Gov. Sammy Gambar, Gov. Mamintal Alonto Adiong, Jr., Gov. Ishmael Mang Sali at Gov. Jim Hataman — at ang iba pang stakeholders ay nagpasalamat kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo sa pagtingin sa kapakanan ng BARMM at sa pagtutulak sa pagpapaliban sa eleksiyon.
Ang pangulo ay nagpadala ng liham kay Senate President Francis Escudero, na nagsesertipikang urgent sa Senate Bill No. 2942, na naglalayong ipagpaliban ang BARMM elections sa October 2025.
Noong November 2024, inihain ni Escudero ang bill upang ipormalisa ang kanyang panukala na ipagpaliban ang BARMM parliamentary elections. Ang Senate bill ay nakalusot na sa second reading, at ipinapanukalang i-reschedule ang BARMM elections mula May 12, 2025 to October 13, 2025.
Samantala, inaprubahan na ng House of Representatives ang bill na nag-uurong sa halalan sa May 2026.
Ang BARMM stakeholders at public officials ay nagpahayag ng suporta sa pagpapaliban sa 2025 elections sa rehiyon, binigyang-diin na may mga isyung dapat tugunan, tulad ng paghihiwalay sa lalawigan ng Sulu sa BARMM at ang hindi pagiging balanse ng parliamentary seats kapag itinuloy ang eleksiyon.
"This purposeful resetting is intended to ensure that the electoral process is conducted with integrity and safeguards the fundamental right of suffrage by creating the conditions necessary for its meaningful exercise," sabi nina Basilan Gov. Jim Hataman Salliman, Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong Jr., Maguindanao del Norte Gov. Abdulraof Macacua, at Tawi-Tawi Gov. Yshmael Sali sa isang joint statement.
Igiiniit ng mga governor na ang kanilang panawagan ay hindi “politically motivated” kundi isang legislative responsibility upang unahin ang kapakanan ng mga residente ng BARMM.
Sampung Basilan mayors, na kinabibilangan nina Roderick Furigay ng Lamitan City, Nasser Abubakar ng Lantawan, Moner Manisan ng Tabuan Lasa, Jomar Maturan ng Ungkaya Pukan, Jaydeefar Lajid ng Albarka, Alih Sali ng Akbar, Arsina Kahing-Nanoh ng Muhtamad, Jul-Adnan Hataman ng Sumisip, Arcam Istarul ng Tipo-Tipo, at Talib Pawaki ng Hj. Muhammad Ajul ang nagpahayag din ng suporta sa pagpapaliban sa halalan.
- Latest