Babae naningil ng renta, kinatay ng tenant!
MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nang saksakin sa dibdib ng lasing na tenant nang dahil umano sa naipon na galit bunsod ng pamamahiya sa tuwing naniningil ng renta sa inuupahang bahay sa Antipolo, Rizal, ayon sa Antipolo Component City Police Station kahapon.
Dead-on-arrival sa ospital na nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktimang si alyas “Susan”, 55-anyos, kapatid ng landlady o may-ari ng paupahang bahay, at residente ng Brgy. Mambugan, Antipolo, Rizal.Arestado naman ang suspek na si alyas “Jes”, 36-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Sa ulat, noong Enero 23, 2025 nang maganap ang madugong insidente sa mismong bahay ng biktima.
May video ng pangyayari na makikita at maririnig ang pamimilit ng suspek na buksan ang pintuan habang galit na galit habang tumatanggi naman ang boses ng nasa loob ng bahay na makipag-usap dahil
sa lasing ang suspek. Hindi na nakunan ng video ang mga sumunod na pangyayari.
Kinumpirma naman ni P/Lt. Colonel Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police, na umuupa ang suspek at ang may-ari ng property o inuupahan ng suspek ay kapatid ng biktima.
“Actually, tenant ‘yung suspect po natin. At ‘yung victim niya ay ‘yung kapatid naman nung may-ari ng property. So, ayon sa kanya, ‘yung dignity niya is natatapakan tuwing sinisingil sila. Siyempre, sinisingil sila. According sa suspect ay binungangaan at dumating na ‘yung sukdulan ba noong nakainom siya, nagkalakas siya ng loob sana na i-confront ‘yung biktima,” ani Col. Manongdo.
Lumalabas na may dalawang buwan nang hindi nakakabayad ng upa ang suspek na nasa P5,000.
Narekober ang kutsilyong ginamit ng suspek sa krimen.
- Latest