Sahagun, pararangalan sa ‘Icons of Change Awards 2025’
MANILA, Philippines — Dahil sa pagtataguyod sa mga karapatan ng mga katutubong Pilipino at pag-iingat sa Cultural Heritage o Pamanang Kultural, nakatakdang tumanggap ng pagkilala ang entrepreneur at leader advocate na si Alvin Sahagun. Si Sahagun na nagsisilbing unang nominado ng Maharlika Party-list para sa May 2025 elections ay gagawaran ng award na may titulong “Icons of Change: Indigenous Empowerment Advocate of the Year” sa kategoryang “Distinct Men and Women of Excellence” at sa sub-category na “Indigenous Leadership and Advocacy Award Citation”.
Ang nasabing parangal ay ibinase sa mga namumukod-tanging nagawa ni Sahagun sa mga Indigenous Peoples at komunidad.
“For his outstanding achievements in advocating for Indigenous rights, preserving cultural heritage, and fostering sustainable development, Alvin Sahagun exemplifies the essence of excellence in Indigenous leadership,” ayon sa Icons of Change.
Idinagdag pa na dahil sa kanyang adbokasya ng pagbabago at sa papel nito bilang social entrepreneur, wealth coach, at community advocate, nagawa ni Sahagun na matulungan at mapabuti ang kabuhayan ng marginalized Indigenous Peoples, partikular sa tribong Aeta sa Iba, Zambales.
“His pioneering work in promoting Kasanayan, Kabuhayan, Kaunlaran (Skills, Livelihood, Progress) has not only uplifted lives but has also set a standard of excellence in combining cultural preservation with socioeconomic advancement,” dagdag ng Icons of Change.
Ang resilience, bisyon at integridad ni Sahagun ay nagsilbing inspirasyon upang kanyang maisulong ang makahulugan at inklusibong pagbabago para sa mga katutubo, kaya karapat-dapat umano siyang gawaran ng naturang award.
Naniniwala naman si Sahagun na ang social enterprise ang siyang susi sa pag-unlad ng ekonomiya na mahalaga para sa mga indigenous peoples dahil sila ang sentro ng kulturang Pilipino.
Ang Icon of Change Awards 2025 ay nakatakda sa Marso o Abril, 2025.
- Latest