^

Probinsiya

PWLD binigyan ng pera, pagkain bago ni-rape ng obrero

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ng mga awtoridad ang construction worker na umano’y gumahasa sa 26-anyos na babaeng may Person With Lear­ning Disability (PWLD) sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas DACUP 44, habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Kat”, kapwa residente ng Brgy. Citrus.

Sa report ng SJDM Police Station, naganap ang insidente sa pagitan ng 8:00 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi nitong Enero 26 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mahigit isang linggo na minanmanan  ng suspek ang kilos ng biktima para mapaamo at maisama sa kanyang bahay.

Nabatid na binibigyan ng suspek ang biktima ng pera at pagkain hanggang isang araw ay nahikayat niyang sumama sa kanyang bahay at tuluyang puwersahang ginahasa.

Nang makita ang ina, agad isinumbong ng biktima ang kahalayang nangyari kaya agad silang humingi ng saklolo sa barangay na rumesponde sa lugar at inaresto ang suspek na kalaunan ay isinuko sa pulisya.

Nahaharap ang suspek sa kasong statutory rape na nakakulong sa istasyon ng pulisya habang ang biktima ay nakatakdang pumunta sa Regional Forensic Unit 3 para sa genital examination.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with