Misis inatado ng hiniwalayang mister!
MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang dating misis na humiwalay sa kanya matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng bahay ng ginang sa lalawigan ng Isabela nitong Sabado.
Nadala pa sa ospital ang biktimang kinilalang si “Maria”, 48 habang nadakip naman sa follow-up operation ang suspek na si “Pedro”, 52.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente nitong Sabado ng gabi sa bahay ng biktima sa San Pablo, Alicia, Isabela.
Pinuntahan ng suspek sa bahay ang kanyang dating misis at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa pananaksak ng una sa huli.
Lumilitaw na isang taon nang hiwalay ang biktima at suspek.
Isinugod pa sa ospital ang biktima habang tumakas naman ang suspek na nadakip din kalaunan.
Nahaharap sa kasong Parricide ang suspek.
- Latest