^

Probinsiya

COC ng mayoral candidate sa Tayum, Abra kinansela ng Comelec

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Kinansela na ng First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang Certificate of Candidacy (COC) ni Tayum, Abra mayoral bet Kathlia Elite Alcantara Quizon dahil sa kakulangan ng tinurang “required time” sa kanyang pamamalagi sa bayang ninanais niyang pangasiwaan bilang alkalde.

Batay sa Comelec resolution na ibinaba noong Enero 23, 2025, bigong patunayan ni Quizon ang required residency o pamamalagi nito sa bayan ng Tayum bago ang kanyang paghahain ng COC para sa May 12, 2025 National and Local Elections.

Ito ang naging hudyat sa pagkatig ng Komisyon sa petisyung inihain ni Jomar Castillo, residente ng Tayum, sa basehang nilabag ni Quizon ang “material misrepresentation” nang isulat nito ang period of residency sa Tayum na 43 taon at apat na buwan hanggang sa araw bago ang halalan.

Nakasaad sa resolusyon ng 2nd division ng Comelec na taliwas sa naging pahayag ng respondent sa kanyang COC, napatunayang hindi ito namalagi bilang residente mula nang umalis ito patungo sa Maynila at doon na nanirahan.

Binigyan-diin sa petisyon ni Castillo na nakapagrehistro lamang si Quizon bilang botante noong March 20, 2024 dahilan sa paghahain nito ng Petition for Exclusion mula sa listahan ng mga permanenteng botante noong August 21, 2024 kontra kay Quizon na kinatigan ng 2nd Municipal Circuit Trial Court (MCTC) Tayum-Peñarrubia, Abra noong  September 4, 2024.

Naghain naman ng apela si Quizon noong September 10, 2024 sa Regional Trial Court (RTC) Branch 58, Bucay, Abra kung saan binawi ang desisyun ng MCTC noong October 1, 2024 at muling na-reinstate ang kaniyang pangalan sa permanent list of voters ng Tayum.

Noong October 13, 2024, naghain ng petisyon si Castillo sa tanggapan ng Comelec First Division sa layuning makakuha ng “Deny Due Course to or Cancellation” sa COC ni Quizon.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with