^

Probinsiya

Magkaangkas sinita sa trapiko, nalaglagan ng shabu, tiklo!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo ang arestado makaraang malaglag ang dala nilang illegal na droga matapos silang sitahin sa patro­ling checkpoint dahil sa walang suot na mga helmet, kahapon ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Anabu 2-C, Imus City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Nick, 43, at alyas Archie, 44, kapwa residente ng Alapan, Imus City .

Ayon kay Police Lt. Col. Chey Chey Saulog, alas-10:20 ng umaga, nagsasagawa ng patrolling checkpoint ang kaniyang mga tauhan sa nasabing lugar nang sitahin nila ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo hinggil sa kapwa walang suot na helmet.

Habang nagsasagawa ng beripikasyon ang pulisya, hiningi ni Police Sgt. Abrera sa suspek na si Nick ang driver’s license nito.

Agad na kinuha ng suspek ang kaniyang wallet at nang buksan nito upang kunin ang lisensya ay aksidenteng nalaglag ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Dito na agad hinuli ng mga pulis si Nick at nang sila ay kapkapan, nakuhanan pa muli ng 2 selyadong transpa­rent plastic na may mga lamang shabu.

Lumalabas na galing ang mga suspek sa pag-iskor ng shabu sa isang lugar sa Imus city, Cavite.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with