^

Probinsiya

Teroristang Dawlah todas sa Army

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng mga sundalo ng Philippine Army ang isang miyembro ng Dawlah Isla­miya-Maute Group sa isang engkuwentro sa Barangay Kalangan, Piagapo, Lanao del Sur nitong Sabado.

Sa pahayag nitong Lunes ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng Western Mindanao Command, nagpapatrolya ang mga tropa ng 44th Infantry Battalion sa Barangay Kalangan nang paputukan ng mga terorista bunsod ng engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga Dawlah terrorists at pagkasugat ng isang sundalo.

Nabatid na pinadala sa Barangay Kalangan ang mga tropa ng 44th IB matapos mag-ulat ang mga municipal officials sa Piagapo hinggil sa presensya ng mga Dawlah Islamiya-Maute Group terrorists sa natu­rang lugar na sapilitang nanghihingi ng pera at pagkain sa mga walang kalaban-laban na mga residente.

Natagpuan ng mga sundalo sa tabi ng bangkay ng teroristang kinilala lang na mga taga-Barangay Kalangan sa pangalang “Usman” ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, mga bala at iba’t ibang sangkap sa paggawa ng improvised explosive device.

ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with