Ika-2 kaso ng Mpox sa Baguio natuklasan

WHO declares mpox global health emergency This undated electron microscopic (EM) handout image provided by the Centers for Disease Control and Prevention depicts a monkeypox virion, obtained from a clinical sample associated with the 2003 prairie dog outbreak. It was a thin section image from a human skin sample. On the left were mature, oval-shaped virus particles, and on the right were the crescents, and spherical particles of immature virions.

BAGUIO CITY, Philippines — Na-detect ng surveillance team ng Baguio City Health Services Office (CHSO) ang ikalawang kaso ng monkeypox o Mpox dito sa lungsod.

Kasunod ito sa unang nakumpirmang unang kaso ng Mpox sa lungsod na ang pasyente ay iniulat na nakumpleto na ang home isolation noong ­Enero 17 at nakarekober na.

Ang second laboratory-confirmed Mpox case ay nai-report sa Department of Health nitong Enero 18, ayon sa Baguio City Public Information Office sa ilalim ng tanggapan ni City Mayor Benjamin B. Magalong.

Ang ikalawang pa­s­yente ay isang 22-anyos na lalaki, residente ng Baguio, na walang travel history sa labas ng Pilipinas, pero nagkaroon ng close contact may dalawang linggo ang nakakalipas bago siya makitaan ng sintomas ng Mpox.

Kabilang sa sintomas ay ang tila trangkaso, body malaise, chills, at fatigue. Nagkaroon din ang pasyente ng rashes sa palad, mukha, braso, thorax, anorectal genitals, at likurang bahagi ng katawan.

Sa nasabing kaso, nagpakonsulta ang pas­yente sa pribadong ospital at kinolektahan ng specimen sa skin lesions nito saka ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa pagsusuri.

Sa isinagawang PCR test, lumabas ang resulta na positibo sa Mpox viral DNA ang nasabing specimen. Ang impeksyon ay bunsod rin ng less severe Clade II type, na kapareho ng unang Mpox case sa lungsod, ayon sa CHSO.

Ang nasabing pas­yente ay nakalabas na ng ospital nitong Enero 21 at direktang umuwi para sa home isolation.

Dagdag ng CHSO, ang ikalawang Mpox patient ay may dalawang close contact na kapwa asymptomatic pero inabisuhan na silang sumailalim sa quarantine hanggang Pebrero 6 ang isa at ang isa pang tinamaan ay hanggang sa Pebrero 24 naka-isolate.

Show comments