P20.4 milyong shabu samsam sa Dipolog, big-time drug dealer natimbog

COTABATO CITY, Philippines – Umiskor ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-9 at pulisya nang makasamsam ng P20.4 milyong halaga ng shabu mula sa isang hinihinalang big-time drug dealer na nalambat sa buy-bust operation sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Sabado.

Kinumpirma nitong Linggo ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, na nasa kustodiya na nila ang naarestong 47-anyos na lalaking shabu dealer na taga-Santa Catalina, Zamboanga City.

Hindi na pumalag pa ang suspect nang arestuhin ng mga PDEA-9 agents at ng mga operatiba ng Dipolog City Police Office matapos silang bentahan ng tatlong kilong shabu, na nagkakahalaga ng P20.4 million sa entrapment operation na isinagawa sa gilid ng Osmeña Street sa Barangay Central, Dipolog City.

Matagal na umanong minamanmanan ng PDEA-9 ang nakakulong nang suspect kaugnay ng kanyang malakihang pagbebenta ng shabu sa Zamboanga City at sa mga probinsya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay.

Show comments