Binata napagtripan, kinatay ng rice mill boy

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sumisigaw ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ng 21-anyos na binata makaraang mapagtripan at mapatay sa mga saksak ng isang rice mill boy sa bayan ng Bocaue nitong Biyernes.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Charles Bartolome habang ang suspek na nakatakas ay nagngangalang Jannel Outojan, 38, rice mill employee, residente ng Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan

Ayon sa Facebook post ng kaanak na nag-viral,  nasaksak at napatay ang biktima nitong Enero 24 sa isang kanto ng pabahay sa nabanggit na lugar.

Base sa mga komento sa social media, ipinagtanggol lamang ng biktima ang kanyang pinsan subalit siya ang pinagtripang saksakin ng suspek na tumakas sa lugar.

Sinasabing nadala pa ang biktima sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay kalaunan.

Show comments