^

Probinsiya

Pulis, 4 pang suspek sa pagdukot sa trader at caretaker arestado!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Pulis, 4 pang suspek sa pagdukot sa trader at caretaker arestado!
Ayon kay Major Nova Lyn Aggasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), unang nadakip ang tatlo sa limang suspek na kinabibila­ngan ng isang 47-anyos at 30-anyos na kapwa mula Tinoc, Ifugao, at 44-anyos ng Mapayao, Kayapa, Nueva Vizcaya.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Limang suspek kabilang  ang isang absent without official leave (AWOL) na pulis ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya kaugnay sa pagdukot sa isang negos­yante at caretaker nito, ayon sa ulat kamakalawa.

Ayon kay Major Nova Lyn Aggasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), unang nadakip ang tatlo sa limang suspek na kinabibila­ngan ng isang 47-anyos at 30-anyos na kapwa mula Tinoc, Ifugao, at 44-anyos ng Mapayao, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Sila ay nadakip matapos maitimbre ang isang sports utility vehicle (SUV) na kanilang sinasakyan kabilang ang dalawang biktima na dinukot, sa checkpoint sa Bokod, Benguet nitong Enero 23 dakong alas-6:00 ng gabi.

Ang mga biktima na noon ay natakpan ang mga bibig at nakaposas ang mga kamay sa loob ng sasakyan ay dinukot umano ng mga suspek sa Tapuac, Dagupan City, Pangasinan nitong Enero 22.      

Ayon kay Aggasid, matapos na maitimbre ng Bokod Police sa Nueva Vizcaya PNP na may mga kasamahan pa ang mga suspek na nakalusot sa checkpoint ay agad silang nagsagawa ng hot pursuit operation hanggang sa mamataan ang itinimbreng sasakyan sa Barangay Magapuy, Bayombong alas-6:00 ng umaga kamakalawa.

Sumunod namang nadakip ang AWOL na pulis at 36-anyos na kasamahan, kapwa residente ng Tinoc, Ifugao.

Narekober pa mula sa mga suspek ang isang unit ng galil rifle na may dalawang magazines at 29 na bala, isang short firearm na may 29 na bala, tatlong magazines, iba’t ibang PNP uniforms at dalawang PNP ID.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with