^

Probinsiya

103 bahay sa Cotabato, tupok sa 2 sunog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
103 bahay sa Cotabato, tupok sa 2 sunog
More than a hundred houses were razed in two fire incidents in Cotabato City on Friday, January 24, 2025.
Philstar.com / John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Abot sa 103 na mga bahay ang tinupok ng apoy sa mga hiwalay na sunog sa dalawang lugar sa Cotabato City sa loob lang ng limang oras nitong Biyernes.

Kinumpirma nitong Sabado ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection-Cotabato City at ng mga kawani ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na 103 na mga bahay, gawa sa semi-permanent materials, sa Tukakanes, Barangay Poblacion 7 at sa Pansacala Area sa Rosary Heights ang nasunog sa naturang dalawang insidente.

Unang nagkasunog sa slum area sa Tukananes sa gilid ng Rio Grande de Mindanao sa Barangay Poblacion 7 kung saan 100 na bahay ang natupok.

Makalipas ang limang oras, isang sunog din ang sumiklab sa Pansacala area sa Barangay Rosary Heights 10, may apat na kilometro ang layo mula sa Tukananes, na tumupok ng tatlong magkakatabing bahay.

Nagpaabot na ng ­inisyal na ayuda ang Cotabato City local government unit sa mahigit 100 pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa sunog.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with