^

Probinsiya

11 brgy sa Parang, Sulu idineklarang ‘gun-free’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklara nang “gun free” ang 11 barangay sa Parang, Sulu kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra loose firearms o mga armas na walang lisensya na naglalayong tiyakin na magiging mapayapa ang gaganaping mid-term elections sa Mayo 2025.

Sa ginanap na seremonya kamakalawa sa plaza ng munisipyo sa Brgy. Poblacion ng bayang ito, idineklarang gun free ang 11 barangay ng mga lokal na opisyal at tropa ng 11th Infantry Division (ID) ng Philippine Army na kinabibilangan ng Barangays Poblacion, Liang, Tumangas, Lumbaan Mahaba, Nonokan, Laum Suwah, Bunton, Kanaway, Taingting at Lagasan Higad; pawang sa Parang, Sulu.

Ayon kay Brig. Gen. Mario Jacinto, commander ng 1101st Infantry Brigade ng Philippine Army, isang malaking kaganapan sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan ang pakikiisa ng hanay ng mga sibilyan sa kampanya ng military laban sa loose firearms para sa kaligtasan at seguridad ng lahat.

Kabilang dito ay ang kampo ng mga magkakalabang kandidato partikular na sa lokal na antas at maging ng mamamayan ng lalawigan.

“This achievement was made possible by the support and hard work of our communities. Together, we are building a safer and better future for our children,” pahayag naman ni Parang Mayor Alkhadar Loong.

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with