^

Probinsiya

FPJ Panday Bayanihan party-list pasok sa Magic 8

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang FPJ Panday Bayanihan party-list ay nakatanggap ng mala­king suporta, nakakuha ng ikawalong posisyon ayon sa pinakabagong survey ng PhilData Trends.

Isinagawa mula ­Enero 2-9, 2025, ang survey ay nagpapakita ng mga paboritong partido ng mga botante para sa darating na 2025 Party-list elections.

Nangunguna sa survey ang ACT-CIS na nakakuha ng 10.53% na suporta, habang nakatanggap ang 4PS ng 4.33%, na sinundan ng 1-Rider Partylist na may 4.20%.

Ang Duterte Youth, na may 3.07%, at Ako Bicol, na may 3.00%, ay kumpleto sa limang nangungunang listahan.

Nakakuha ang ­Tingog ng 2.80%, nakuha ng TGP ang 2.60%, at nakamit ng FPJ Panday Bayanihan ang 2.40% na pag-apruba ng mga botante. Ang survey, na sinagot ng 1,500 kalahok, ay may ±5% margin of error sa 95% confidence level, na nag-aalok ng maaasahang repleksyon ng damdamin ng mga botante sa buong bansa.

“Nagagalak kami sa pag-usad ng FPJ Panday Bayanihan party-list sa survey. Ang resulta na ito ay nagpapakita ng pagtangkilik ng publiko sa aming mga adbokasiya para sa seguridad sa pagkain, progreso, at hustisya, lalo na para sa mga nasa laylayan ng lipunan,” ani Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party-list.

Ang PhilData Trends ay nagbibigay ng research at mga pananaw na kai­la­ngan para mag-navi­gate sa pabago-bagong ­merkado.

FPJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with