Trike niratrat ng tandem: Driver utas, 2 stude sugatan
BATANGAS, Philippines — Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang dalawang estudyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang sinasakyan nilang tricycle sa Barangay Paharang East, Batangas City, Huwebes ng hapon.
Ayon kay Police Lt. Col. Aira Morello, hepe ng Batangas City Police, nangyari ang pamamaril matapos sunduin ng tricycle driver ang apat na estudyante mula sa elementary school para ihatid sa Barangay Bilogo bandang alas-2:45 p.m.
Ani Morello, dalawa sa apat na estudyante ang sugatan at agad na naisugod sa ospital.
Nagtamo naman ng tama ng bala sa ulo ang tricycle driver na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.
Mabilis na nakatakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Taysan.
Inaalam pa rin ng mga imbestigador kung ano ang motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga gunman.
- Latest