^

Probinsiya

Selosong mister na-bully na maliit ang ‘manoy’, lover ni ‘misis’ sinaksak!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil umano sa pambu-bully na maliit ang kanyang “manoy” o ari, nanak­sak ang isang selosong mister ng isang security guard na pinaghihinalaan niyang lover ng kanyang misis sa Toril District sa lungsod ng Davao nitong Martes ng umaga.

Ang suspect na itinago sa pangalang Joaquin, 37-anyos, tricycle ­driver ay bigla na lamang umanong sinugod ng saksak ang 33-anyos na guwardyang si alyas Allan, na sinasabi niyang kalaguyo ng kanyang misis na security guard rin, sa isang tindahan na binabantayan ng biktima.

Sa report ng Davao City Police, bukod sa pang-iinsulto na maliit ang ari ay selos ang nakikita nilang dahilan ng pananaksak ni Joaquin sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ng suspect na nagawa niyang saksakin si Joaquin dahil sa matinding galit sa biktima at kaniyang misis na kasamahan nitong guwardiya.

Nahuli umano niya minsan ang dalawa na magkasama at umano’y malapit sa isa’t isa habang nakita rin niya ang larawan ng dalawa sa cellphone ng kaniyang misis.

Sa pahayag ng ginang sa pulisya, sobrang ­seloso aniya ang kaniyang mister na madalas siyang binubugbog sa loob ng 16 taon nilang pagsasama.

Samantala, labis na ikinagalit ng suspect na pinagtawanan siya ng biktima at sinabing maliit ang kaniyang ari kaya binalikan niya ito at pinagsasaksak.

Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng saksak na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Nakapiit ang suspect at nahaharap sa kasong frustrated murder dahil lumilitaw na planado ang ginawang krimen.

SELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with