^

Probinsiya

Seller ng cellphone tinodas ng buyer!

Ed Amoroso, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Seller ng cellphone tinodas ng buyer!
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas “Ronnie”, nasa hustong gulang, at residente ng ng Barangay Kay-Anlog, Calamba City, Laguna habang isinailalim na sa dragnet operation ng Calamba City Police ang suspek na si alyas “Mark”, binata, at residente ng Barangay Sirang Lupa, Calamba City.
FIle

MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker na tumulong lang sa kanyang kaibigan sa pagbebenta ng cellphone nang barilin ng sinasabing buyer sa Calamba, City, Laguna, bago maghatinggabi ng Lunes.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas “Ronnie”, nasa hustong gulang, at residente ng ng Barangay Kay-Anlog, Calamba City, Laguna habang isinailalim na sa dragnet operation ng Calamba City Police ang suspek na si alyas “Mark”, binata, at residente ng Barangay Sirang Lupa, Calamba City.

Saksi naman sa insidente ang kaibigan ng biktima na si Mark Christian Punongba­yan, 27-anyos, isa ring construction worker at residente ng Barangay Kay-Anlog, Calamba City.

Sa ulat, alas-11:20 ng gabi ng Enero 20 nang maganap ang in-sidente sa kalye Majada-in Housing sa Barangay Canlubang, Calamba.

Sa imbestigasyon, ikinuwento ni Punongbayan na nakontak niya ang buyer ng kanyang cellphone na si alyas Mark para sa ibinebenta nitong cellphone, at iniabot niya sa kaibigang si Ronnie upang dalhin nila sa napagkasunduang lugar.

Gayunman, nang makaharap ng dalawang obrero ang suspek ay ipinakita umano ng biktima ang cellphone pero bigla na siyang pinaputukan ng baril na kanyang ikinabulagta.

Dito agad itinawag ang insidente sa Nuvali outpost na rumesponde sa lugar subalit nakatakas na umano ang suspek sakay ng Yamaha Mio habang nadatnan pa nila na duguang nakahandusay ang biktima sa tabi ng isang kulay pulang Honda Wave na may plakang 5578 WQ.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with