^

Probinsiya

Binatilyo naligo sa talon nalunod, kaibigan nagtangkang sumagip, tigok!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Binatilyo naligo sa talon nalunod, kaibigan nagtangkang sumagip, tigok!
Naisugod pa sa ­Cabading Hospital ang mga biktimang sina alyas “John”, 18, ng Peñafrancia, Brgy. Cupang at alyas “James”, 17, ng Sitio Central 1, Brgy. Inarawan, kapwa sa Antipolo City ngunit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga doktor.
File Photo

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang lalaki na magkaibigan nang malunod sa isang talon sa Baras, Rizal kamakalawa.

Naisugod pa sa ­Cabading Hospital ang mga biktimang sina alyas “John”, 18, ng Peñafrancia, Brgy. Cupang at alyas “James”, 17, ng Sitio Central 1, Brgy. Inarawan, kapwa sa Antipolo City ngunit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Lumilitaw sa ulat ng Baras Municipal Police Station na dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang trahedya sa Ungga Falls sa Sitio Ungga, Brgy. San Salvador, sa Baras.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang mga biktima at dalawa pa nilang kaibigan na magtungo sa naturang falls.

Pagdating na pagda­ting umano nila sa lugar ay kaagad nang tumalon si James sa tubig, ngunit binalaan na mag-ingat dahil hindi pantay-pantay ang lalim nito.

Makalipas lamang umano ang ilang sandali ay nakita na nilang nagkakakawag at hindi makalangoy si James.

Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip si John at kaagad na tuma­lon sa tubig upang sagipin sana ang kaibigan. Gayunman, maging siya ay sinawimpalad na malunod at kapwa sila namatay.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with