^

Probinsiya

Electrician nagkakabit ng ilaw sa lamay, tepok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

RAPU-RAPU, Albay, Philippines — Nangisay at agad namatay ang isang elektrisyan ng National Power Corporation (Napocor) nang aksidenteng makur­yente habang nagkakabit ng ilaw ng tent sa lamay ng kanyang biyenang lalaki sa Purok-5, Brgy. Poblacion, Rapu-Rapu, Albay, kamakalawa ng hapon.

Isinugod pa ng mga kaanak ang residente sa Rapu-Rapu District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si “Toni”, 42-anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar at generator set operator ng Napocor.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon habang ikinakabit ng biktima ang bombilya ng tent sa lamay ng kanyang namatay na biyenan nang makuryente at mangisay ito.

Walang malay na bumagsak ang biktima na mabilis isinugod ng mga kaanak sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with