19 combat rifles samsam sa Cotabato
COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska nitong Lunes ng mga nagpapatrolyang tropa ng 34th Infantry Battalion ang 19 na combat rifles na natagpuan sa isang kuta ng armadong grupo sa isang liblib na barangay sa Pahamuddin, lalawigan ng Cotabato nitong Lunes.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Martes ng mga opisyal ng 34th IB, ng 602nd Infantry Brigade at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, inabandona ng isang grupo ang naturang mga baril na mabilis na tumakas ng mapuna ang mga sundalong lumalapit sa kanilang kinaroroonan sa Barangay Lower Panagkalan sa Pahamudin.
Mismong mga Moro traditional leaders at barangay officials ang nagsuplong ng kanilang presensya sa naturang lugar, ayon sa mga hiwalay na pahayag nila Army Lt. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, at ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Ang Pahamuddin ay isa sa walong mga bagong tatag na mga bayan na sakop ng Bangsamoro region ngunit nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.
Nasa kustodiya na ng 34th IB ang mga nasamsam na mga M14 at M16 rifles at isang .30 caliber Garand rifle na nasamsam mga sundalo sa naturang operasyon.
- Latest