^

Punto Mo

Mayang (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINAGO ni Mayang ang mga agimat na binigay ni Lolo Nado. Inilagay niya ang mga iyon sa isang box at nasa bungad ng cabinet na lalagyan niya ng mga lumang damit. Madali niyang makukuha ang mga iyon kapag kakailanganin. Mahigpit na bilin Lolo Nado na huwag kalilimutang dasalan ang mga agimat. Nasa loob ng supot ang mga dasal na sasambitin. Bukas ay Biyernes kaya uumpisahan na niya ang pagdadasal para lalong maging mabisa ang mga agimat.

Tinawagan niya si Jeff at ibinalita ang tungkol sa mga agimat na binigay ni Lolo Nado.

“’Yan ang mga agimat na minsan ay kinuwento ni Lolo sa akin. Problema niya raw kung kanino ipapasa ang mga yan. Ngayon ay tiyak nang ikaw ang magmamana ng mga yan. Dapat ingatan mo,’’ sabi ni Jeff.

“Oo iingatan ko. Bukas, dadasalan ko ang mga agimat. Sabi ni Lolo, huwag daw kalilimutan na dasalan para hindi mawala ang bisa.’’

“Napakabait ni Lolo Nado. Mapapanatag na ang loob mo dahil may proteksiyon ka sa mga masasamang loob.’’

“Pero mas mapapanatag ang loob ko kung narito ka Jeff. Sana makauwi ka na sa lalong madaling panahon.’’

“Oo Mayang naka-submit na ang resignation letter ko. Hihintayin ko na lang ang taong papalit sa puwesto ko. Hindi kasi puwedeng mawalan ng tao dahil masisira ang production.’’
“Kailan daw darating ang papalit sa’yo.’’

“Parating na raw sabi ng personnel department. Pilipino rin daw. Mga Pilipino kasi ang paborito ng employer—ayaw kumuha ng ibang lahi. Subok na raw ang mga Pinoy.’’
“Salamat naman at parating na pala.’’

“Oo, Mayang, hindi na magtatagal at magkakasama na uli tayong tatlo.’’

“Sabik na sabik ako sa pagbabalik mo Jeff.’’

“Ako rin, Mayang. Gusto ko pagbalik ay makagawa na tayo ng bagong miyembro ng pamilya.’’

“Susundan na natin si Jeffmari?’’

“Oo. Bakit? Ayaw mo?’’

“Gusto siyempre.’’

“Kaya humanda ka sa pagdating ko.’’

“Ikaw ang maghanda!’’

(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with