^

Probinsiya

Van galing seminar salpok sa motor: 2 driver patay, 8 SK officials sugatan

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawa ang patay habang walong opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyang van sa isang motorsiklo matapos silang dumalo sa isang seminar, sa Alaminos, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa San Pablo City District Hospital sina Rolly San Antonio Collantes, driver ng 15-seater na Nissan Urvan (NKD 8693), at ang nakabanggaang motorcycle rider na si Edward Laolio Ruelo, isang computer operator.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Dariel John Bos Almonte, 25- anyos, SK chairman; John Philip Borais, 25- anyos, SK chairman; mga SK kagawad na sina Ailyn Borbe, 20; Aira Mae Cena, 20; Rommel Carullo, 21, at Joven Borbe, 21; at SK secretary Aristedes Sajuela, 31, at SK treasurer Joseph Beren, 21; pawang residente ng Tabaco City, Albay.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:20 ng mada­ling araw kahapon habang bumabagtas sa kahabaan ng Del Pillar St., Brgy 2 Poblacion sa Alaminos ang van na nanggaling ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang dumalo sa isang seminar at pauwi na sana sa Tabaco, Albay nang maganap ang aksidente.

Ayon sa mga nakaligtas sa aksidente, kapwa bumabagtas sa nasabing lugar ang van at motorsiklo at nang nasa pakurbang kalsada na ay nag-overtake ang van sa nauunang sasakyan dahilan upang mahagip nito ang kasalubong na motorsiklong Yamaha Mio (820 UHV) na minamaneho ni Ruelo.

Dahil sa salpukan, dumiretso pa ang van sa concrete barrier ng kalsada at muling sumalpok.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga SK officials na pawang sakay ng van.

SK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with