Bulkang Kanlaon nagluwa ulit ng abo
MANILA, Philippines — Muling nagluwa ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros kasabay nang 20 volcanic quakes batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa naturang bulkan sa nakalipas na 24 oras .
Ayon sa Phivolcs, nagtala rin ang bulkan ng pagluwa ng nasa 5,037 tonelada ng asupre at ground deformation. Ang kulay abo na plumes ay umabot nang may 150 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan na nalusaw sa may timog kanluran ng bulkan.
Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6-kilometer radius ng bulkan at bawal ding magpalipat ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa inaasahang pagsabog at pagluwa ng abo.
Ang Mt. Kanlaon ay nananatiling nasa Alert Level 3 o nasa magmatic unrest.
- Latest