Lady contractor nabiktima ng ‘basag kotse’
MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P1.5 milyong piso ng mga alahas at pera ang natangay sa isang lady contractor nang basagin ang kotse habang nakaparada sa Medical Center, Brgy. De Ocampo,Trece Martires City, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima sa alyas na Cecile, 54 anyos, contractor at residente ng Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, nasa pagitan ng alas-7:00 ng gabi hanggang alas-12:00 ng hating gabi nang maganap ang insidente kung saan nakaparada ang Toyota Land Cruiser color white ng biktima at nang bumalik ay nadiskubre nito na basag ang bintana ng kaniyang sasakyan at wala na sa upuan ang kaniyang bag kung saan nakalagay ang mga alahas na may halagang P550,000.00 pesos at pera na P970,000.00 pesos.
- Latest