Dalagita hinalay ng kapitbahay sa banyo
MANILA, Philippines — Nakakulong na ang isang lalaki nang arestuhin dahil sa panghahalay sa kanyang 15-anyos na dalagita sa banyo sa bayan ng Abellana, Cebu City, kamakailan.
Ang suspek na nakakulong sa Abellana Police Station, ay kinilala sa alyas Tonyo, 21-anyos ng Barangay Sambag 2.
Batay sa report ng pulisya, alas-3:36 ng hapon nitong Sabado naganap ang insidente sa loob ng banyo ng suspek sa nabanggit na lugar.
Sa reklamo ng biktimang si Nena nakatanggap siya ng mensahe sa social media mula sa suspek at pinapunta siya nito dahil mayroong ibibigay.
Aniya, dahil kapitbahay at kilala naman nito ang suspek ay kumpiyansa siyang nagtungo sa bahay, subalit pagdating niya ay agad siyang pinapasok sa banyo.
Sa pag-aakalang sorpresa ang ibibigay ng suspek ay mabilis itong sinundan sa banyo saka kinando ang pintuan at doon ay hinalay ito at nang makaraos ay pinalabas ang biktima.
Agad na nagtungo sa kanilang barangay ang biktima para humingi ng tulong na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
- Latest