Riot ng mga kabataan sumiklab sa Rizal: 1 patay!
MANILA, Philippines — Patay ang isang binatilyo nang magkasagupa ang dalawang grupo ng mga kabataan sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Sent Paul Sugay, 17-anyos, at residente ng Villa Monic, Pinagbuhatan, Pasig City nang madaluhan ng mga awtoridad.
Samantala, nakatakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang mga itinuturong suspek sa krimen na sina alyas Jaren, Janifer, Pato, Ngongo, Negro, Lagumbay at Jepoy.
Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-2:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Sherwater St., Vista Verde Country Homes sa Brgy. Muntindilaw.
Nauna rito, nagkaroon umano ng alitan ang dalawang grupo ng mga kabataan sa lugar, na nauwi sa suntukan at riot.
Maya-maya ay nagpulasan na umano ang mga kabataan habang naiwan naman ang biktima na nakahandusay sa kalsada.
Kaagad namang nakahingi ng tulong ang mga residente sa Barangay Task Force na mabilis na rumesponde at nadatnan ang biktima na wala nang buhay.
- Latest