^

Probinsiya

Dean, 3 pa todas sa ambush sa Sultan Kudarat

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Dean, 3 pa todas sa ambush sa Sultan Kudarat
Sultan Kudarat Map.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Apat katao kabilang ang isang dean ng Catholic school ang patay sa pananambang sa loob lang ng isang oras sa magkatabing bayan ng Lebak at Kalamansig sa Sultan Kudarat nitong hapon ng Huwebes.

Sa magkahiwalay na ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12 kahapon, unang napatay sa Barangay Santa Clara sa Kalamansig ng mga armadong kalalakihan ang magkaangkas sa motorsiklong sina Nestor Rondon at kanyang kabiyak na si Marilou.

Agad na namatay ang mag-asawa sa mga tama ng bala sa kanilang mga ulo at sa katawan. Sila ay patungo sana sa kung saan, sakay ng kanilang motorsiklo,  nang tambangan ng dalawang armadong lalaki sa liblib na bahagi ng isang kalye sa Sitio Tambis, Barangay Santa Clara, Kalamansig.

Naaresto naman ng mga tropa ng Kalamansig Municipal Police Station, sa pamumuno ni Major Rodney Binoya ang mga suspek sa pagpatay kina Rondon at kanyang misis, na kinilala sa mga alyas na “Oting-Oting” at “Mohalidin”, sa isang hot pursuit operation nitong madaling araw ng Biyernes sa Barangay Sangay sa naturang bayan.

Makalipas ang ilang minuto, napatay ang isang guro na kinilalang si Henry Racho at  kanyang pamangkin na si Erick James Racho Moyet, sa kahalintulad na insidente, sa Sitio Maregaeg, Barangay Salman, bayan ng Lebak.

Magkaangkas sa motorskilo sina Racho, isang dean at nagtuturo rin ng sports sa pribadong Notre Dame of Salaman College, isang Catholic school sa Lebak, at ang kanyang estudyanteng pamangkin nang paputukan ng mga kalalakihan na agad na tumakas.

CATHOLIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with