^

Probinsiya

Ginang naghatid ng anak sa paaralan, itinumba

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Ginang naghatid ng anak sa paaralan, itinumba
Agad namatay sa mga tama ng bala si Mae Angeline Batingkay na naghatid lang ng anak sa paaralan matapos tambangan sa Kidapawan City, Cotabato nitong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Isang ginang na sakay ng motorsiklo at kakahatid lang ng anak sa paaralan, ang walang awang napatay sa ambush sa Barangay Sudapin, Kidapawan City, Cotabato kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Kidapawan City Police Office nitong Biyernes, sakay ng kanyang motorsiklo si Mae Angeline Agapay Batingkay, pauwi na mula sa Suerte ­Elementary School, nang tambangan ng dalawang lalaki sa isang bahagi ng isang kalye sa Barangay Sudapin.

Agad na namatay sa mga tama ng bala si Ba­tingkay, residente ng Brgy. Magsaysay, Kidapawan City, sanhi ng naturang pananambang.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa biktima gamit ang isang motorsiklo.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Kidapawan police force at ng Cotabato Provincial Police Office kung sino ang mga pumatay kay Batingkay upang masampahan ng kaukulang mga kaso.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with