Mag-asawa sa Cotabato timbog sa P3.4 milyong shabu
MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang isang mag-asawa sa buy-bust operation,kamakalawa sa Cotabato City.
Kinilala ni PDEA-BARMM director Gil Cesario Castro ang mga suspek na sina ‘Theng’ at ang kanyang asawa na si ‘Saima’ na mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Nabatid na nakakalap ng impormasyon ang PDEA hinggil sa operasyon ng mga suspek kaya agad na ikinasa ang buy-bust.
Sa Poblacion 5, Cotabato City nadakip ang dalawa at nakuhanan ng 500 gramo ng shabu na umaabot sa P3.4 milyon, buy-bust money; dalawang cellphones, wallets, at mga identification cards.
Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM Jail Facility ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest