P20 milyong shabu, nakumpiska sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng P20 milyon halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas Marvin, 33, High Value Individual (HVI).
Sa report, ikinasa ang operasyon ng Special Operation Unit 3 ng PNP DEG, PDEA Bulacan, Provincial Intelligence team Bulacan, Regional Intelligence Unit 3 at SJDM police station, alas-4:55 ng umaga nitong Enero 7 sa Brgy. Tungko Mangga at nasamsam ang tinatayang tatlong kilong hinihinalang shabu na aabot sa halagang P20 milyon, buy-bust money, cellphone at grey back pack.Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa SJDM police station.
- Latest