^

Probinsiya

4 katao dedo, 5 sugatan sa salpukan ng van

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 katao dedo, 5 sugatan sa salpukan ng van
Kinilala ang mga nasawi na sina Remie Centina, misis nitong si Edna Centina; Sherlyn Altimo at Mary Joy Lastimoso; pawang residente ng Awang, Maguindanao. Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatan.  
Graphic by Philstar/John Villamayor

COTABATO CITY, Philippines — Apat na biyahero ang patay habang lima pa ang sugatan nang mabangga ang tagiliran ng kanilang sinasakyang van ng kasalubong na van sa Binugao sa Toril District sa Davao City nitong umaga ng Sabado, January 4, 2025.

Kinilala ang mga nasawi na sina Remie Centina, misis nitong si Edna Centina; Sherlyn Altimo at Mary Joy Lastimoso; pawang residente ng Awang, Maguindanao. Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatan.  

Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City nitong tanghali ng Sabado, kinumpirma ng mga opisyal ng Davao City Police Office at ng mga kawani ng Davao City Risk Reduction and Management Office ang pagkasawi ng apat na sakay ng isa sa mga van na sangkot sa aksidente.

Patungong Digos City sa Davao del Sur ang van na lulan ang mga biktima nang mabangga ang gilid nito ng sobrang bilis na kasalubong na van.

Kitang-kita sa mga footages ng mga security cameras sa kapaligiran na lumihis sa kabilang bahagi ng highway, habang patungo sa direksyon ng Davao City, ang van na nakabangga sa sinasakyan ng mga biktima.

Maliban sa apat na nasawi sa aksidente, lima pang mga kasama nila na nagtamo ng matinding mga sugat at mga pasa sa katawan ang naisugod sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City upang malapatan ng lunas.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with