^

Probinsiya

Estudyante nasapol ng ligaw na bala sa mata

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nasa maselang kalagayan sa ospital ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang masapol ng ligaw na bala mula sa kapitbahay nitong nagpaputok ng baril nitong New Year’s Day ng madaling araw sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Dalawang araw na bago pa man naiulat sa pulisya ng City Health Office ang naganap na insidente.

Batay sa report, ala-1 ng madaling araw noong Enero 1 nang maganap ang pangyayari sa Phase 3 Site, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, ayon sa salaysay ng lola ng biktimang si alyas “JC”, estudyante at residente ng Phase 3 Site, Brgy. Paliparan 3, nasa labas ng bahay ang biktima habang nagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon at nanonood ng mga fireworks nang magpaputok ng maiksing baril ang kapitbahay na si alyas “Noel”, nasa hustong gulang.

Sa sementadong lupa naman umano ito nakatutok suba­lit nag-bounce ang bala at nasapol ng stray bullet ang kanang mata ng biktima.

Agad na itinakbo sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktima at kalaunan ay inilipat agad sa Philippine General Hospitalhinggil sa maselang tama nito sa mata.

Tumakas naman ang suspek tangay ang baril na gamit sa pagpapaputok.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with