^

Probinsiya

Anak na tambay kinatay ang ama, ina grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Pinaghahanap ng trabaho, nairita

MANILA, Philippines — Patay ang isang 71-anyos na ama habang nasa malubhang kalagayan ang misis nito makaraang pagtatagain ng istambay nilang anak na lalaki na ­pinaghahanap nila ng trabaho sa Brgy. Inayangan, Calinan District, Davao City nitong Biyernes.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Ernesto Silgas Bato, dead on the spot sa matalim na machete na ipinantaga rito ng walang puso nitong anak na si Jickie Bato, 33-anyos.

Patuloy namang isinasalba sa pagamutan ang ina nitong si Elizabeth Pancho Bato na nagtamo ng matinding sugat sa kaniyang ulo.

Sa ulat ng Davao City Police, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya sa nabanggit na lugar nitong Biyernes ng umaga matapos na dumating na ang pasaway na anak ng mag-asawa sa kanilang tahanan.

Kasalukuyang nagsi­sibak ng kahoy na panggatong ang ama nang walang pakundangang pagtatagain ng anak at matapos duguang bumugsak ay pumasok naman sa kanilang tahanan at isinunod na tinaga ang kaniyang ina.

Ang suspect ay ­mabilis na tumakas matapos ang insidente pero nasakote sa hot pursuit operation ng mga ope­ratiba ng pulisya.

Lumilitaw naman sa inisyal na pagsisiyasat na napundi ang suspect dahil lagi siyang pinagsasabihan ng kaniyang mga magulang na maghanap ng trabaho sa halip na magpatambay-tambay lamang sa kanto na humantong sa malagim na krimen.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with