^

Probinsiya

Kelot, maingay ang motorsiklo sa pagsalubong ng Bagong Taon, inutas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa pag-iingay gamit ang kanyang motorsiklo sa pagsalubong ng Bagong Taon, patay ang isang lalaki nang saksakin ng nairitang kapitbahay sa Barangay Sta. Rosa, Murcia, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Gino Garcia na binawian ng buhay matapos umanong pagsasaksakin ng suspek na si Reynaldo Apisanda Jr.

Ayon sa imbestigas­yon ng mga otoridad, nauwi sa malagim na krimen ang komprontasyon ng dalawa dahil umano sa ingay ng tambutso ng motorsiklo ng biktima habang sinasalubong ang Bagong Taon.

Mabilis umanong nagkainitan ang dalawa, dahilan kung bakit inundayan ng saksak ni Apisanda si Garcia gamit ang isang kutsilyo na may habang siyam na pulgada.

Ang suspek na naaresto sa isang follow-up operation noong Enero 1, 2025 sa bahay ng kaniyang kamag-anak at kasalu­kuyang nasa kustodiya ng pulisya.

GINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with