Higit 19K paputok samsam sa crackdown sa Calabarzon
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Umiskor ang Calabarzon police matapos silang makakumpiska ng may kabuuang 19,611 firecrackers na nagkakahalaga ng P1.4 million sa isinagawang intensified crackdown laban sa mga ilegal na paputok mula Disyembre 18 hanggang 30.
Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, umaabot sa 15,825 na iba’t ibang uri ng paputok na naka-bundles, packs, at nakakahon kasama ang nasa 3,786 piraso ng isa sa pinakadelikadong paputok na “Boga” ang nakumpiska sa simultaneous operations sa buong rehiyon.
Iniutos ni Lucas kahapon ang pagsira sa mga illegal firecrackers sa iba’t ibang Police Provincial Offices.
“The numbers were the result of inspections and operations on unlicensed sellers and manufacturers and community engagement through extensive public information drives and partnerships with Local Government Units which heightened public awareness about the dangers of illegal firecrackers and encouraged safer celebration practices,” ani Lucas.
Iniulat din ni Lucas na bumaba ang bilang illegal firecracker-related incidents kumpara ng kahalintulad na panahon ng nakalipas na taon.
Dagdag ni Lucas, nitong Disyembre 18-30, 2024, nasa 15 insidente lamang ang naireport na illegal firecracker-related cases, na mas mababa sa 273 insidente na naitala ng kaparehong petsa ng 2023.
- Latest