Trader timbog sa entrapment vs illegal na paputok
CAVITE, Philippines — Kahon-kahon at mga naka-bundle na paputok ang nakumpiska ng pulisya sa isang negosyante sa inilatag na entrapment operation sa loob ng isang subdivision ng Brgy Real 2 sa Bacoor City, kamakalawa ng hapon.
Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Lennon”, residente ng Justine Ville Brgy Real 2, Bacoor City.
Sa ulat ng pulisya alas-2:15 ng hapon ng ikasa ng Cavite Provincial Intelligence Unit at Bacoor Police ang buybust laban sa suspek .
Bago ang operation, nag-surveillance muna ang tumayong buyer sa suspek kung saan nakabili siya ng bultong paputok sa suspek.
Matapos ang surveillance, dito na inilatag ang operation at nakumpiska sa suspek ang maraming ibat ibang uri ng illegal paputok na umaabot sa P202,000 halaga.
- Latest