13-anyos nene ni-rape matapos mangaroling
MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na dalagita ang naghain ng reklamo sa pulisya dahil sa panggagahasa umano sa kanya ng riding-in-tandem matapos siyang mangaroling noong bisperas ng Pasko sa Lingayen, Pangasinan.
Ayon sa kay PLt. Col. Amor Mio Somine ng Lingayen Police, nangyari ang insidente noong Disyembre 24, dakong alas-10 ng gabi matapos mangaroling ang dalagita.
Sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktima galing sa pangangaroling nang lapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo at inalok na ihahatid sa kanilang bahay.
Sumama naman ang dalagita subalit sa halip na sa bahay ay dinala siya ng dalawang suspek sa baywalk at doon pinagsamantalahan.
Kinilala ang isa sa mga suspek na si “Roniel”, 18, residente rin sa nasabing lugar.
Lumalabas na si “Roniel” ang gumahasa sa biktima na susundan sana ng isa pang suspek subalit naudllot sa isang tawag sa cellphone.
Sumailalim umano sa medical examination ang dalagita at lumabas na positibong hinalay ito.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek.
- Latest