76 menor-de-edad arestado, 79 boga samsam sa Quezon ops
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Apat na araw bago sumapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, pinaigting ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na paputok na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasa 79 na baril mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay QPPO director PCol. Ruben Lacuesta, ang nakumpiskang mga baril ay nagmula sa naarestong 76 na menor-de-edad at tatlo mula sa mga pasaway na obrero.
Kinumpiska ang nasabing mga boga at pinagmulta ang tatlong obrero habang ang 76 na menor-de-edad ay pinangaralan ng mga kawani ng DSWD batay sa nilalaman ng ipinatutupad na mga municipal ordinances.
Ayon kay Lacuesta, magpapatuloy ang crackdown sa mga ipinagbabawal na paputok hanggang sa Enero 1, 2025 upang maiwasan ang mga “firecrackers related injuries” sa lalawigan ng Quezon bago at pagkatapos ng pagsalubong sa Bagong Taon.
- Latest