^

Probinsiya

Van nawalan ng preno: 7 magpapamilya patay!

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Van nawalan ng preno: 7 magpapamilya patay!
Sa ulat ni Emil Sumagaysay, Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Officer, ang mga biktima ay residente ng Cagayan de Oro City na nagbabakasyon sa Polomolok, South Cotabato.
STAR/File

Trahedya sa pagsalubong ng Pasko

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng pamilya kabilang ang dalawang menor-de-edad ang patay habang malubhang nasugatan ang kanilang driver nang mawalan ng preno ang sinasakyang L-300 van at bumangga sa puno hanggang sa patagilid na sumadsad sa gilid ng highway sa Masangyaw, Tupi, South Cotabato nitong hapon ng Lunes.

Sa ulat ni Emil Sumagaysay, Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Officer, ang mga biktima ay residente ng Cagayan de Oro City na nagbabakasyon sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Annabelle Maglinte, 52; mister na si Joel, mga anak na sina Joan, 28; Doque “Duke” Maglinte; Ike Maglinte at dalawang bata na 8 at 7-anyos, kapwa Grade school pupils. 

Sa inisyal na ulat naman ng Tupi Municipal Police nitong Lunes ng gabi, ang mga biktima ay mga residente ng Cagayan de Oro City at patungo sana ng Polomolok, South Cotabato sakay ng Mitsubishi FB L-300 van upang doon na magdi-wang ng Pasko.

Nauna sa trahedya, ang mga biktima ay nagsagawa ng “wedding pictorial” sa Land of Praise, isang tourist site sa Tupi bago nangyari ang sakuna dakong alas-3 ng hapon habang bumibiyahe sila sa Brgy. Cebuano, Tupi.

Posibleng iniwasan umano ng driver na mahulog sa bangin ang van kaya isinalpok ito sa isang malaking puno sa tabi ng highway.

Nabatid na bumang­ga sa isang malaking puno ng narra ang sasakyan bago ito bumangga sa puno at lumagpak ng patagilid sa tabi ng highway, ayon sa mga barangay officials at mga emergency responders ng Tupi local government unit.

Posibleng iniwasan umano ng driver na mahulog sa bangin ang van kaya isinalpok na lang nito sa isang malaking puno sa tabi ng highway.

Ayon sa nakaligtas na driver ng van, bigla diumanong nagloko ang preno ng kanyang minamanehong sasakyan kaya hindi na niya nakontrol ang manibela sanhi ng aksidente.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with