NHA namahagi ng CELA sa 382 benepisyaryo sa Bulacan

MANILA, Philippines — Upang magkaroon ng sariling tahanan, namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 382 qualified beneficiaries para sa 9 na housing sites sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang pamamahagi ng CELA sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai ay  pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano at Region III Manager Minerva Y. Calantuan sa mga benepisyaryo sa lungsod.

“Layon ng pamahalaan na magbigay ng pabahay para sa ikauunlad ng bawat Pilipino sa kanilang bagong buhay tungo sa isang bagong Pilipinas,” ayon kay AGM Feliciano.

Anya ang hakbang ay patunay sa  dedikasyon ng pamahalaan, sa pangunguna ng NHA, na baguhin ang pamumuhay ng mamamayan sa pamamagitan ng mga programang Pabahay ng pamahalaan.

Dumalo sa okasyon sina San Jose del Monte Mayor Alfred Robes at San Jose del Monte Lone District Representative Florida Robes na naghatid ng pasasalamat sa programang ito ng NHA para sa kanilang mga constituents.

Show comments