CAVITE, Philippines — Arestado ang 2 kalalakihan sa pagbebenta ng mga pinagbabawal na paputok sa loob ng isang subdivision sa pamamagitan ng online selling sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Gen. Trias Cavite kamakalawa.
Kinilala ang 2 suspek na sina alyas Christian at Gietson, kapwa residente ng Bella Vista Brgy. Santiago General Trias City, Cavite.
Naaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng online transaction kung saan nagbebenta sila ng illegal na paputok .
Inaalok sa online transaction at Facebook ang mga paputok kung saan nakipagnegosasyon ang kapulisan na nagpanggap na kliyente.
Sa loob ng nasabing subdivision, inilatag ang buy-bust at naaresto ang mga suspek bitbit ang may 19 bundle ng regular Kwitis, 4 box ng bombshell Kwitis, 3 packs ng Whistle Bomb, isang box ng Piccolo, isang box ng Higad, isang box ng Magic Diamond Fountains, isang iPhone 13 Promax, 50 piraso ng boodle money at isang Honda sedan (ZTA 246) na gamit ng mga suspek.