Nadiskwalipika sa pre-mature campaigning iprinoklamang wagi sa 2023 barangay election
CANLUBANG, Laguna, Philippines — Matapos ang mahabang legal na labanan, sa wakas ay iprinoklama na ng Commission on Election (Comelec) nitong Biyernes si Larry Dimayuga na nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE) elecions noong Okt. 2023.
“Na-disqualify siya (Dimayuga) ng division for premature campaigning, kaya hindi agad na-proclaim. Sa motion for reconsideration (MR) na hinain ng grupo ni Dimayuga ay nabaligtad ang desisyon ng division,” pahayag sa PSN ni Atty. Allan Enrique, Comelec-Calabarzon regional director.
Nanumpa si Dimayuga sa harap ng mayor ng Calamba City na si Ross Rizal sa City Hall at agad siyang naupo bilang barangay kapitan ng Canlubang. Matatandaang, dahil sa disqualification laban kay Dimayuga, inutusan ng Comelec ang Barangay Board of Canvassers ng Canlubang na iproklama ang kandidatong may pinakamataas na bilang ng boto bilang Officer in Charge ng Barangay Canlubang.
Si Mario Jun Cogay, 63, ay nanguna sa halalan bilang miyembro ng barangay council noong Oktubre 30, 2023 BSKE. Hindi siya (Cogay) naiproklama kasama ang nanalong punong barangay na si Larry Dimayuga at tatlong iba pang miyembro ng barangay council dahil sa disqualification cases na isinampa laban sa kanila dahil sa umano’y premature campaigning.
- Latest