^

Probinsiya

Service crew sinabuyan ng asido sa mukha, sunog!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa matinding selos

CAINTA, Rizal, Philippines — Isang service crew ng kilalang food chain ang na-ospital matapos masunog ang mukha nang sabuyan ng asido ng isa ring ­kapwa babae, sa hinalang selosan, sa Cainta, Rizal, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang sa alyas na “Anne”, service crew  sa food chain na matatagpuan sa J Valley Golf Compound, Ortigas Avenue Extension corner Don Celso Tuazon Avenue, Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Nasa kustodiya na ng Cainta Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Anjeanette”, na nakuhanan ng basyo ng muriatic acid na ginamit sa krimen.

Naganap ang insidente dakong 9:30 ng gabi ng Disyembre 20, sa mismong food chain.

Sa imbestigasyon, isang kasamahan sa trabaho ng biktima ang nagsabi na may nag­hahanap sa kaniyang babae na nais siyang makausap.

Lumabas ang biktima sa pag-aakalang pinuntahan ng kapatid na babae subalit nasorpresa nang komprontahin siya hinggil sa nobyong si alyas “John Lloyd”, at bigla na lang isinaboy sa mukha ng biktima ang dalang asido.

Sa mukha at sa kaliwang mata ng biktima lumanding ang asido kaya isinugod siya sa Medical City Hospital sa Pasig.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Office of  Rizal Provincial Prose­cutors, Barangay Dolores, Taytay Rizal para sa kaukulang reklamo.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with