15 ‘terorista’ nagbalik-loob sa Maguindanao
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte, Philippines — Nasa 15 na miyembro ng Lawless Terrorist Group (LTG) sa Maguindanao del Norte ang nagbalik-loob sa pamahalaan nitong Lunes ng umaga.
Sa isang programang isinagawa sa headquarters ng Brigade Support Area, 1st Brigade Combat Team, pinangunahan ni Lt. Col. Gilbert Boado, commanding officer ang pagprisinta ng mga sumukong indibiduwal kay Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, Commander, 1BCT.
Bitbit din ng mga ito ang kanilang mga kagamitang pangdigma na kinabibilangan ng apat na 40mm RPG, dalawang Cal. 50 Barret, isang M1 Carbine Cal. 30, isang Carbine Cal. 30 Garand, dalawang 7.62mm Sniper Rifle, isang KG9 9mm UZI, labing-isang IED, isang cartridge ng 40mm RPG with propellant at isang cartridge ng Rifle Grenade.
Ikinagalak naman ni Brig. Gen. Cagara ang piniling hakbang ng 15 dating combatant para sa kapayapaan at kaunlaran ng kanilang komunidad.
Pinasalamatan din ni Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, 6ID at JTF Central Commander ang lahat ng nagsumikap para makamit ang matiwasay at mapayapang komunidad na malayo sa banta ng mga armadong indibidwal.
- Latest