Trike driver todas sa lamayan, 1 pa sugatan
SAN QUINTIN, Pangasinan, Philippines — Patay ang isang 43-anyos na tricycle driver habang isa pa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang nakikilamay sa patay nitong Sabado ng madaling-araw sa Barangay Lagasit ng bayang ito.
Sa ulat mula Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang nasawi na si Diomel Galvan habang ang sugatan ay si Junel Guanizo,44, isang construction worker, at pawang residente ng nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nasa burol ng kanilang namatay na kapitbahay ang mga biktima nang biglang nilapitan at pinagbabaril ng hindi kilalang armadong lalaki si Galvan na naglalaro lamang ng mahjong katabi si Guanizo na tinmaan din ng bala.
Kapwa duguan ang mga biktima na agad isinugod sa ospital para malapatan ng lunas subalit idineklarang dead-on-arrival si Galvan dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.
Matapos ang pamamaril, naglakad lamang ang suspek patakas sa lugar.
Narekober ng mga pulis sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 habang dalawa pang spent shells ang natagpuan din may 20 metro ang layo mula sa crime scene.
- Latest