^

Probinsiya

6 illegal Chinese dinakip sa Subic Bay

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto nang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang 6 na undocumen­ted Chinese nationals na nagtatago sa isang apartment sa Trillo Bay Villas, kamakalawa.

Kinilala ang mga Chinese national na sina Yongfeng Huang, Guo Jun, Hong Xiaojun, Bai Shiping, Guo Shiquan, at Gan Ning dahil sa paglabag sa  Rule 9, Section 1 of SBM-2015-010 dahil sa pagiging undocumented.

Kaagad na dinala sa  BI head office sa Intramuros ang mga dayuhan at ikinulong habang pino-proseso pa ang kanilang mga kaso.

Sinabi naman ni Officer-in-Charge of the Office of the Deputy Administrator for Legal Affairs and Manager of the Labor Department Atty. Melvin Varias na kabilang ang 6 na dayuhan sa 57 Chinese nationals  na dating nagtatrabaho sa TeleEmpire Incorporated.

Sa kabuuang 57 Chinese nationals na nagtatrabaho, 6 ang umuwi sa kanilang bansa, 51 naman ang accounted na kung saan 20 ang naaresto sa unang isinagawang raid  sa isang bahay sa Kalayaan na  illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility kama­kailan.

SBMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with