6-anyos babae, tepok sa tuklaw ng cobra
COTABATO CITY, Philippines — Isang 6-taong gulang na batang babae ang binawian ng buhay nang matuklaw ng makamandag na cobra sa Barangay Mahayag sa Alicia, Zamboanga Sibugay nitong Miyerkules.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Alicia Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng barangay officials ng Mahayag, tumutulong sa kanyang nanay ang biktimang si Rain Heart Madrigal sa pagligpit ng mga labada sa loob ng kanilang bakuran nang matuklaw ng Cobra sa paa.
Nadeklarang dead on arrival ng mga manggagamot ang 6-anyos na si Madrigal kung saan siya dinala ng mga barangay emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Ayon sa mga barangay officials ng Mahayag, mula sa madamong lugar sa likuran ng tahanan ng mga Madrigal galing ang Cobra na tumuklaw sa bata.
- Latest