Misis na rider dedo sa motor crash
VIRAC, Catanduanes, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 32-na rider na misis matapos humataw ang katawan at ulo sa concrete pavement nang aksidenteng rumampa ang minamanehong motorsiklo sa gutter ng kalsada sa kahabaan ng Imelda Boulevard sa Brgy.Rawis, Virac, Catanduanes kamakalawa ng madaling araw.
Matinding sugat sa ulo ang agad ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang “Mimay”, may-asawa, residente ng Brgy.Calatagan Proper ng naturang bayan.
Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling araw habang binabagtas ng biktima lulan ng kanyang Rusi Scooter motorcycle ang kahabaan ng boulevard nang pagdating sa pakurbang bahagi ay rumampa ito sa gutter ng kalsada at humagis ang katawan saka bumagsak sa concrete pavement dahilan para bumagok ang ulo.
Mabilis na sumaklolo ang response team ng Virac-MDRRMO at Bureau of Fire Protection at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Mimay pero hindi na umabot nang buhay.
- Latest